Para sa ikaapat na linggo namin sa Ikatlong Markahan, Sa Linggong ito tinalakay namin ang Parabula at Talinghaga at di lang yan pati rin ang Metaporka.
Ano nga ba ang Parabula? Ito ay nag mula sa salitang Griyego na "parabole" na nagsasaad ng dalawang bagay na maaring tao,hayop,lugar o pangyayari. Samantalang ang Talinghaga naman ay pangungusap,parirala o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kailangang pag-isipang mabuti upang maunawaan.Maaring ibilang sa talinghaga ang tayutay,idyoma at parabula. at ang huli ay Metaporka o isang tayutay kung saan ang isang salita o parirala na mas pinalalim ang pagkakahulugan sa isang bagay
na inilalalarawan.
Tinalakay rin namin ang parabula ng Mangagawa sa ubasan at Parabula ng Banga.
Saturday, November 29, 2014
Sunday, November 16, 2014
Para sa Ikalawang Linggo namin sa ikatlong Markahan, Ang aming guro na si Gng. Mixto ay hindi nakapagturo subalit tuloy parin ang aming talakayan sa tulong ng isa sa aming kamag aral na si Bb. Usa. Siya ang inatasan ni Bb. Basbas upang mag turo sa amin habang wala si Gng. Mixto.
Sa linggo na ito tinalakay namin ang PAGHAHAMBING. Ang Paghahambing ay ginagamit sa pagkukumpara ng isang tao sa iba pang tao, bagay sa iba pang bagay, hayop sa iba pang hayop at marami pang iba. May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing: Ang Paghahambing ng magkatulad at Paghahambing ng di magkatulad sa Di magkatulad ay may dalawang uri ang Pasahol at Palamang. at may isa pang paghahambing Modernisasyon o katamtaman.
Saturday, November 8, 2014
Repleksyon para sa unang linggo:
Ito ang unang Linggo namin para sa ikatlong Markahan. kagaya ng nakakaraang Markahan nag simula ang aming Guro sa pag bibigay ng kanyang opinyon sa aming nakuhang marka. Pag katapos nito ay dumako na kami sa aming pag aaralan.
Ang unang Pinag aralan namin ay ang paggawa ng Movie Trailer. Ito ang unang itinuro sa amin dahil magagamit namin ito sa paggawa ng aming magiging proyekto na may kinalaman sa Timog-kanlurang Asya. Sa parteng ito pinag aralan namin ang tamang proseso at mga bagay na dapat naming gawin sa paggawa nito. Nang sumunod na araw, ay pinag aralan namin ang akdang Rama at Sita na Hango sa epikong Ramayana at Mahabarata. Kasabay nito, Tinalakay din namin kung ano ang Epiko. Ang Epiko ay Panitikang nag sasalaysay sa isang buhay ng isang bayani sa kanyang mga pinag daanan. Nalaman din namin na ang epikong Ramayana at Mahabarata ang pinaka mahabang epiko sa buong Mundo.

Subscribe to:
Posts (Atom)