Repleksyon para sa unang linggo:
Ito ang unang Linggo namin para sa ikatlong Markahan. kagaya ng nakakaraang Markahan nag simula ang aming Guro sa pag bibigay ng kanyang opinyon sa aming nakuhang marka. Pag katapos nito ay dumako na kami sa aming pag aaralan.
Ang unang Pinag aralan namin ay ang paggawa ng Movie Trailer. Ito ang unang itinuro sa amin dahil magagamit namin ito sa paggawa ng aming magiging proyekto na may kinalaman sa Timog-kanlurang Asya. Sa parteng ito pinag aralan namin ang tamang proseso at mga bagay na dapat naming gawin sa paggawa nito. Nang sumunod na araw, ay pinag aralan namin ang akdang Rama at Sita na Hango sa epikong Ramayana at Mahabarata. Kasabay nito, Tinalakay din namin kung ano ang Epiko. Ang Epiko ay Panitikang nag sasalaysay sa isang buhay ng isang bayani sa kanyang mga pinag daanan. Nalaman din namin na ang epikong Ramayana at Mahabarata ang pinaka mahabang epiko sa buong Mundo.
No comments:
Post a Comment