Thursday, January 15, 2015
"Bakasyon ko sa nagdaang Pasko at Bagong taon"
Sa nagdaang pasko at Bagong taon ay nanatili lang kami na aking pamilya sa aming tahanan at doon namin ipinagdiriwang ang mga araw na mahahalaga sa atin, ang Pasko at Bagong taon. Masaya ako dahil nabuo ko ang simbang gabi subalit sa Unticipated Mass lang kami nakadalo. Hindi nga lang siyam na beses ako nakapagsimba dahil sumama din ako sa ilan sa aking mga kaklase na nag sisimba ng madaling araw. Bisperas na ng Pasko at Nagsimba ako at dalawa sa aking mga kaklase, di ko nakasama ang aking Magulang sa pag simba dahil lahat sila ay abala sa mga ihahanda. Pag uwi ko sa aming tahanan ay bumungad sa akin masasayang mukha na nagkakatuwaan at pagkatapos ng kasiyahan ay natulog din kaagad kami ng mahimbing. Ilang araw lang ay Bisperas na ng bagong taon, Sa lahat ng pag diriwang ito ang pinakaaantay ko. Bisperas na nga ng bagong taon at Abala nanaman ang aking mga magulang sa mga ihahanda kaya ako nanaman mag isa ang nakapag simba, mag isa man ako pero masaya naman. Ilang araw nalang at Pasukan na, Pinoproblema ang mga gawaing magpapasukan na lamang ulit ay di pa nagagawa buti nalamang at nakahiram ako ng kailangan ko kaya bago ang pasukan ay nagawa ko na ito, di nga lang tapos. at yan aking ginawa nung Bakasyon.
Saturday, January 10, 2015
Isang
Linggo bago ang Ikatlong markahang pagsusulit ay marami kaming pinag aralan at
isa na rito ang Tungkol sa:"PAGPAPASIDHI
NG DAMDAMIN"-ito ay tumutukoy sa antas,
lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin. Halimbawa nito ay:Nagiinit , Nag-aapoy, Naglalagablab. "SANAYSAY" - ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro
Abadilla.Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o
damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na
pamamaraan. Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at
mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham. Nagsasalaysay
ng pangyayari. Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng
mambabasa. "3 Elemento ng
Sanaysay" Paksa-Sentro ng ideya ng
buong akda. Tono-Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit ,
sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa. Kaisipan-mensaheng gustong
iparating sa mga mambabasa. "4 na uri ng Teksto" - Narativ o nagsasalaysay, Informativ o
nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat, Argumentative o
nagbibigay ng argumento. "Pamaksang Pangungusap"-Tinatawag
na pangunahing ideya. "Pantulong na Pangungusap"- Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng
pamaksang pangungusap. Nagkaroon din kami pagsusulit.
Subscribe to:
Posts (Atom)