Isang
Linggo bago ang Ikatlong markahang pagsusulit ay marami kaming pinag aralan at
isa na rito ang Tungkol sa:"PAGPAPASIDHI
NG DAMDAMIN"-ito ay tumutukoy sa antas,
lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin. Halimbawa nito ay:Nagiinit , Nag-aapoy, Naglalagablab. "SANAYSAY" - ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro
Abadilla.Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o
damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na
pamamaraan. Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at
mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham. Nagsasalaysay
ng pangyayari. Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng
mambabasa. "3 Elemento ng
Sanaysay" Paksa-Sentro ng ideya ng
buong akda. Tono-Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit ,
sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa. Kaisipan-mensaheng gustong
iparating sa mga mambabasa. "4 na uri ng Teksto" - Narativ o nagsasalaysay, Informativ o
nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat, Argumentative o
nagbibigay ng argumento. "Pamaksang Pangungusap"-Tinatawag
na pangunahing ideya. "Pantulong na Pangungusap"- Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng
pamaksang pangungusap. Nagkaroon din kami pagsusulit.
No comments:
Post a Comment