Ikatlong Markahan
Thursday, January 15, 2015
"Bakasyon ko sa nagdaang Pasko at Bagong taon"
Sa nagdaang pasko at Bagong taon ay nanatili lang kami na aking pamilya sa aming tahanan at doon namin ipinagdiriwang ang mga araw na mahahalaga sa atin, ang Pasko at Bagong taon. Masaya ako dahil nabuo ko ang simbang gabi subalit sa Unticipated Mass lang kami nakadalo. Hindi nga lang siyam na beses ako nakapagsimba dahil sumama din ako sa ilan sa aking mga kaklase na nag sisimba ng madaling araw. Bisperas na ng Pasko at Nagsimba ako at dalawa sa aking mga kaklase, di ko nakasama ang aking Magulang sa pag simba dahil lahat sila ay abala sa mga ihahanda. Pag uwi ko sa aming tahanan ay bumungad sa akin masasayang mukha na nagkakatuwaan at pagkatapos ng kasiyahan ay natulog din kaagad kami ng mahimbing. Ilang araw lang ay Bisperas na ng bagong taon, Sa lahat ng pag diriwang ito ang pinakaaantay ko. Bisperas na nga ng bagong taon at Abala nanaman ang aking mga magulang sa mga ihahanda kaya ako nanaman mag isa ang nakapag simba, mag isa man ako pero masaya naman. Ilang araw nalang at Pasukan na, Pinoproblema ang mga gawaing magpapasukan na lamang ulit ay di pa nagagawa buti nalamang at nakahiram ako ng kailangan ko kaya bago ang pasukan ay nagawa ko na ito, di nga lang tapos. at yan aking ginawa nung Bakasyon.
Saturday, January 10, 2015
Isang
Linggo bago ang Ikatlong markahang pagsusulit ay marami kaming pinag aralan at
isa na rito ang Tungkol sa:"PAGPAPASIDHI
NG DAMDAMIN"-ito ay tumutukoy sa antas,
lakas, o puwersa ng pagkakasunod – sunod ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin. Halimbawa nito ay:Nagiinit , Nag-aapoy, Naglalagablab. "SANAYSAY" - ito ay isang salaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro
Abadilla.Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o
damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na
pamamaraan. Naiiba sa kathang Agham dahil ang ito ay may basehan at
mas maigsi o madaling basahin ang sanaysay kaysa kathang agham. Nagsasalaysay
ng pangyayari. Nagiging talumpati ang sanaysay kapag binabasa na ng
mambabasa. "3 Elemento ng
Sanaysay" Paksa-Sentro ng ideya ng
buong akda. Tono-Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit ,
sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa. Kaisipan-mensaheng gustong
iparating sa mga mambabasa. "4 na uri ng Teksto" - Narativ o nagsasalaysay, Informativ o
nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat, Argumentative o
nagbibigay ng argumento. "Pamaksang Pangungusap"-Tinatawag
na pangunahing ideya. "Pantulong na Pangungusap"- Nagbibigay ng detalye at paliwanag sa isinasaad ng
pamaksang pangungusap. Nagkaroon din kami pagsusulit.
Saturday, December 13, 2014
Sunday, December 7, 2014
Sa Linggong ito kami ay nasa sa aming camping na may Paksang "1st joint Mother and Son Jamboree of Boyscouts" na ginanap sa Camp Rodriguez Sitio Abuyod, Teresa Rizal.
Wala man ako ng ilang araw sa paaralan ay may ideya parin ako kung ano ang pinag aralan sa Linggong ito, Base sa aking kamag aral ay may pinakinggan silang isang mensahe tungkol sa isang anak nagpapasalamat at humihingi ng tawad sa kanyang Magulang at matapos itong pakinggan ay inatasan ni Gng. Mixto ang bawat isa na sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa pagkawala ng buhay ng iyong mahal sa buhay. Pinag aralan din daw ang Elehiya; isa itong tulang liriko na naglalarawan sa guni-guni hingil sa isang pagkamatay.

Saturday, November 29, 2014
Para sa ikaapat na linggo namin sa Ikatlong Markahan, Sa Linggong ito tinalakay namin ang Parabula at Talinghaga at di lang yan pati rin ang Metaporka.
Ano nga ba ang Parabula? Ito ay nag mula sa salitang Griyego na "parabole" na nagsasaad ng dalawang bagay na maaring tao,hayop,lugar o pangyayari. Samantalang ang Talinghaga naman ay pangungusap,parirala o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kailangang pag-isipang mabuti upang maunawaan.Maaring ibilang sa talinghaga ang tayutay,idyoma at parabula. at ang huli ay Metaporka o isang tayutay kung saan ang isang salita o parirala na mas pinalalim ang pagkakahulugan sa isang bagay
na inilalalarawan.
Tinalakay rin namin ang parabula ng Mangagawa sa ubasan at Parabula ng Banga.

Sunday, November 16, 2014
Para sa Ikalawang Linggo namin sa ikatlong Markahan, Ang aming guro na si Gng. Mixto ay hindi nakapagturo subalit tuloy parin ang aming talakayan sa tulong ng isa sa aming kamag aral na si Bb. Usa. Siya ang inatasan ni Bb. Basbas upang mag turo sa amin habang wala si Gng. Mixto.
Sa linggo na ito tinalakay namin ang PAGHAHAMBING. Ang Paghahambing ay ginagamit sa pagkukumpara ng isang tao sa iba pang tao, bagay sa iba pang bagay, hayop sa iba pang hayop at marami pang iba. May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing: Ang Paghahambing ng magkatulad at Paghahambing ng di magkatulad sa Di magkatulad ay may dalawang uri ang Pasahol at Palamang. at may isa pang paghahambing Modernisasyon o katamtaman.
Saturday, November 8, 2014
Repleksyon para sa unang linggo:
Ito ang unang Linggo namin para sa ikatlong Markahan. kagaya ng nakakaraang Markahan nag simula ang aming Guro sa pag bibigay ng kanyang opinyon sa aming nakuhang marka. Pag katapos nito ay dumako na kami sa aming pag aaralan.
Ang unang Pinag aralan namin ay ang paggawa ng Movie Trailer. Ito ang unang itinuro sa amin dahil magagamit namin ito sa paggawa ng aming magiging proyekto na may kinalaman sa Timog-kanlurang Asya. Sa parteng ito pinag aralan namin ang tamang proseso at mga bagay na dapat naming gawin sa paggawa nito. Nang sumunod na araw, ay pinag aralan namin ang akdang Rama at Sita na Hango sa epikong Ramayana at Mahabarata. Kasabay nito, Tinalakay din namin kung ano ang Epiko. Ang Epiko ay Panitikang nag sasalaysay sa isang buhay ng isang bayani sa kanyang mga pinag daanan. Nalaman din namin na ang epikong Ramayana at Mahabarata ang pinaka mahabang epiko sa buong Mundo.

Subscribe to:
Posts (Atom)